6/29/13

Swerte o Malas?

May mga panahon talaga na minsan masasabi natin yung mga salitang "malas" o "swerte". Malas, kasi may mga bagay tayo na gusto nating makuha o may mga pangyayaring hindi kanais-nais. Swerte. kasi yung mga bagay na gusto natin, hawak natin ngayon o may nangyari na hindi mo inaasahan na naabot mo o nangyari sa'yo. Pero totoo nga bang may swerte o malas?

Para sakin, walang malas o swerte dito sa mundo. Maaaring may mga bagay na hindi maganda pero para sakin hindi "kamalasan" ang tawag dun; ang tawag sa mga bagay na 'yun ay "pagsubok". Pagsubok kasi hindi man natin napapansin, gumagawa tayo ng paraan kung pa'no maayos ang bagay na hindi maganda. Halimbawa na lang nung nasiraan ka ng kotse pero nagmamadali ka dahil may importante kang lugar na dapat puntahan. Sa una pwede tayong makaramdam ng pagkalungkot o ma-disappoint pero hindi ba gagawa ka pa rin ng paraan kung pa'no makahabol. Minsan tatawag ka ng taxi, pwede ring sumakay sa jeep, o maglakad nang mabilis. Yun yung mga bagay na ginagawa natin kapag may pagsubog, sa madaling salita, humahanap tayo ng paraan. Kumikilos. Nagiisip. Sumusubok ng ibang bagay. Dahil kapag hindi pa maganda ang resulta ng mga bagay bagay, hindi pa ito ang katapusan. ♥

 "BIYAYA o BLESSINGS". Para sakin, "biyaya" ang tawag sa mga bagay na tinatawag nating "swerte". Biyaya dahil may mga pagkakataon o pangyayari sa buhay natin na maganda o maayos ang kinalabasan dahil tinulungan tayo ng Diyos. Sa kanya galing ang mga pagsubok at biyaya dito sa mundong ginagalawan natin ngayon. Nakasulat sa larawan sa gilid "Luck is 90% something and 10% something else." Kung iisiping mabuti, sa buhay natin ngayon, para makamit ang isang blessing, 90% dun ang tulong ni God at 10% ang pagsubok. Kumbaga sa Math, ang equation ay GOD'S HELP + CHALLENGE = A BLESSING. Kailanman, dapat hindi mawala sa equation ng buhay natin si God dahil kung wala s'ya ay wala din tayo dito ngayon. ♥



-Chips ♥




6/23/13

The Perks of Being A Blogger

Last June 8, 2013, I received packages from ShoppagrammeEdge_Co, and MNL Picks. ♥ So yeah, I forgot to take pictures for being too excited about what's inside. Some of the photos below are not mine, I got them from their accounts. So here are the things that I received.





 BK Mint and Old Rose matte nail polish from Shoppagramme. I am so excited to use these to pamper myself. :") Thank you, sissy! :-*




Nautical bracelet and Vintage bracelets from Edge_Co ♥ I am so in love these ♥ 'Cause you know, I have a thing for blue, nautical, and vintage things. So kilig :"> Thank you so much, sissy! :-* 

Join my giveaway with Edge Accessories here!





I received 2 lovely flower clowns and 2 fab floral bangles from MNL Picks ♥ I was so kilig when I opened the package 'cause I also have a thing for flower clowns and anything that has flowers in it. Will definitely use these things sooner. Watch out for my outfit posts. :-* Thank you very much, sissy! :-*

Pamper yourself with Shoppagramme. Follow them on instagram ♥ 
Dress with an edge with Edge Accessories. Follow them on instagram and like them on facebook! ♥
To bring out your inner princess, follow MNL Picks on instagram ♥

Trust me, ladies! Their products are so fab and can go with a simple outfit. The sellers are also accommodating and nice. That's all for now! :)

-Chips ♥

6/3/13

Goals this School Year (1314)

Patapos nanaman ang summer at konting oras na lang, pasukan nanaman. Siguro yung ibang students pumasok na kahapon, pero sa June 10 pa pasok ko so maglilista muna ako ng mga goals ko this school year.

1. Una sa lahat, gusto kong makilala mga bago kong classmatesBagong school year bagong classmates. Every 2 school years nagpapalitan kami ng section kaya syempre, gusto ko rin magkaron ng mas marami pang kaibigan.
2. Sana maging maganda yung samahan ng klase namin.
3. Syempre, gusto ko ding matutunan lahat ng mga bagay na ituturo ng mga teachers ko para hindi magkaron ng pasang-awa na grade sa card.

4.  Maging member ulit ng chorale sa school ko.

5. I-maintain yung friendship ko sa pretty zombies ♥

6. Makapagsayaw ng maayos sa Dance Production. Well, hindi ko naman sinasabing kailangan naming manalo, ang gusto ko lang maging maayos yung kahahantungan ng lahat ng magiging pagod at makapag-enjoy kami habang sumasayaw. Kota na rin ako nung 1st and 2nd year. ♥
7. Sumali sa sport sa intrams. Kasi puro ako tiyakad eh :))) Oras na para maka-experience naman ako ng ibang game/sport. 

8. Ito talaga gusto kong matupad simula first year ako. Gusto ko maging member ng theresian band para makapag-perform sa bandfest. Oh diba ang taas ng goal kong 'yan? HAHAHA. Oh kaya kahit taga-punas lang ng stage. LOL. Basta maging member ng bandfest committee o maging performer.
9. Gusto ko sumali sa competition outside the school. Katulad last year, sa Musikapella. Hindi naman para maging M.I. Awardee ulit pero gusto ko lang na may mapatunayan ulit sa sarili ko. (Naks! Lalim).
10. LAST BUT NOT THE LEAST. Sana maging memorable ulit itong school year na 'to, hindi lang para saken kun'di para sa aming lahat. Sana mapuno ng mga happy memories and GOODVIBES! ♥ 

Ayan na! Sana matupad o magawa ko lahat nang 'yan 'no? SANA. Siguro ilan sa inyo nagiisip na parang may kulang? Oo, tama! may kulang nga ;) Walang PROM. Wala kasing prom yung school namin kasi all girls school 'yun. Pero syempre, hindi magpapahuli mga theresians 'no! Babawi kami next school year! SENIOR'S NIGHT! ♥ Hihi :"> 

Sa lahat ng mga nagiisip na mababaw yung mga goals ko, okay lang 'yan! ganyan ako kababaw ;) Para madali din matupad. Sa lahat naman ng nagiisip na mataas ang goals ko, okay lang din 'yan! kaya nga ang motto ko "akyat lang nang akyat hanggang makarating sa bundok" =))) 'Yun lang! Salamat sa pagbabasa! Sa uultiin! ♥ 

-Chips ♥

6/2/13

Mga Eksena Sa First Week ng School Year

Napakasarap magbakasyon pagkatapos ng napakahaba at makabuluhang school year. At sa sobrang sarap at saya, syempre hindi mawawala yung tatanungin ka ng guro mo na "Anong ginawa mo nung bakasyon?" sa bawat sulatin na papagawa sa'yo. Syempre, simula pre-school hanggang kolehiyo, hindi mawawala yung tanong na 'yan at maaari na rin nating sabihin na bahagi na 'yan ng ating buhay sa paaralan.


Isa lamang 'yan sa mga eksena na taun-taong nangyayari sa paaralan. Eto pa ang ang ilan sa mga 'iyon.

1. Mangangapit-bahay ka para makita ulit yung mga kabarkada mo o kaklase mo last school year.
2. Magkkwento ng mga karanasan habang bakasyon at magpapabonggahan ng resort o lugar na napuntahan. (Taray!)
3. Nung pre-school, paunahan umupo sa harap. Pag highschool na, paunahan umupo sa likod. 
4. Hindi mawawala yung pagpapakilala, "Hi, my name is ______, you can call me _______, etc." kasama na dun yung mga talents mo, paborito mong kulay, pagkain, at kung anu-ano pa.
5. Pagddistribute ng locker keys. Minsan yung locker mo napakataas, minsan napakababa, pag swerte ka naman, ka-height mo lang. 
6. Syempre, pagkatapos ng pagddistribute ng locker keys, magugulat ka na lang, konti na lang kayong nakaupo, kasi yung iba naglalagay na ng gamit sa locker.
7. Pagkatapos ng klase mo magpakilala, syempre magpapahuli pa ba sa teacher? Syempre hindi.
8. Magpapalitan na ng teacher bawat classroom. Ayun! Makikilala mo na teacher mo sa Math, SocScie, English, Filipino, etc.
9. Makakahanap ka ng favorite teacher o subject.
10. Sa recess, hanapan ng spot sa school. Chikahan with old and new classmates.
11. Sa barkada, ang pagkain ng isa, pagkain ng lahat.
12. Sa classroom, magsisimula na ang ingay, pwede rin namang makabuo ng mga grupo-grupo sa classroom katulad ng mga "geeks", "sosyalera", "weirdo" at pwede rin namang hindi dahil tanggap nyo ang isa't isa.
13. Pag dismissal na, maghihintay ka ng kasabay papunta sa gate o pauwi.
14. Pa-bonggahan ng kotse o ng sundo. Pero yung mga simple, jeep at tricycle ang sinasakyan.
15. At syempre pagkauwi mo sa bahay...NGANGA. Magpapahinga ka at makakatulog sa sobrang pagod. Pagkagising mo, papasok ka na naman.

Marami talagang mga bagay ang nangyayari sa paaralan, merong masaya, merong malungkot, at meron din naman "sapat lang". Pero, dapat pa rin nating pahalagahan ang mga kaganapang iyon dahil hindi natin alam na baka sa kasalukuyan ay makatulong ito upang makamit natin ang lahat ng ating nais marating sa buhay. 'Wag kalimutang mag-aral nang mabuti at makinig sa mga pangaral ng ating mga magulang at guro. Siguraduhing natapos nang maayos ang mga bagay na dapat nating gawin bago mag-lakwatcha. LOL :D Yun lang! Salamat sa pagbabasa! ♥

-Chips ♥

Edge Accessories


I was browsing my instagram account last week, looking for a shop that sells nautical bracelets and trendy accessories for my collection 'til I found Edge Accessories' instagram account. Since I have a thing for nautical stuffs, I was attracted by their "Nautical Summer" Collection. Super super cute and fashionable lahat ng accessories nila and I can't wait to have my own. They also sell necklaces, arm candies, corset swim wears and many more! Here are some of their collection pieces I loved.









Edge Accessories can be worn everyday; they're simple, cute, comfy, and light. You can even pair those bracelets with a pair of jeans and a simple shirt. Make a decision, buy now? or regret later?


-Chips ♥